Place: Somewhere in Pasig City
Time: Between 11:40am - 12:05pm
Umalis ako ng bahay ng bandang 11:30, dahil 1pm ang class ko. So I took FX para convenient and mabilis, bilang male-late na din ako kapag nag-jeep lang ako. So naglakad ako towards sa sakayan ng FX at pagkadating ko sa sakayan, hindi naman ako nahirapan at nakasakay ako agad ng magandang FX, malamig, malinis, maayos at ako ang unang pasahero ni kuya driver. I made myself comfortable na din since alam kong malayo pa ko sa bababaan ko, I even paid my fare na din para ok na ang lahat. As we approach Pasig Rotonda, nagkaroon na ko ng katabi (I was seated in front, beside the driver, to be exact) babae, in the middle, may dalawang babae at isang lalake, sa likod, may isang babae at pagdating mismo namin ng Rotonda, may sumakay na tatlong guy. Isa sa gitna at dalawa sa likod. Kuya driver still waited kase isa na lang ang kulang bago mapuno yung FX, pero umalis na din siya kaagad at hindi na naghintay pa. Then pagdating namin ng bandang Kawilihan Village, biglang napansin kong tumayo ang isang lalake sa gitna (yung lalaking huling sumakay sa gitna), I was listening to music from my phone so hindi masyadong narinig yung sinabi nung lalakeng tumayo sa gitnang part ng FX. All I heard from him was "Pare, patayin mo yung radyo mo", so I assumed na naiingayan lang siguro to kaya pinapapatay (kase maingay nga naman yung radyo ni kuya driver -- what I mean sa radyo is the one na parang walkie talkie na ginagamit ng mga drivers to communicate), then biglang nagulat na lang ako nang may makita akong balisong in between my head and sa katabi ko, bigla niya din tinutukan si kuya driver and telling him na wag niyang ihihito yung car. That guy who stood up in the middle seat of the FX is asking for my phone, so alam ko nang nanghoholdap siya (even if i'm not using my phone alam niyang I have something inside my bag like phone or any gadget na pang music), so I get my phone from my bag and gave it to him. After that, while he was busy holdap-ing other passengers in the FX, I'm asking him kung pwede ko bang makuha kahit yung sim card na lang , pero sabi niya siya na lang yung magtatanggal. Habang hinihintay kong tanggalin niya, I was staring at his face para maalala ko. Well, yun talaga yung goal ko aside from getting my sim card. pero hindi niya tinatanggal. Maya maya, binalik niya yung attention niya sakin at bigla niyang sinabi na "tanggalin mo yang relos mo", so ako naman tinanggal ko dahil tinutukan nanaman niya ulit ako. Pag tanggal ko, inaayos ko yung earphones ko para ilagay sa bag ko, habang inaayos ko yung earphones ko, tinatakpan ko yung bag ko, baka kas makita niya yung wallet ko. Then parang napansin niya na may tinatakpan ako at bigla niya 'kong tinanong kung ano daw ang tinatago ko, so sinagot ko siya ng "tinatago ko lang yung earphones ko" (in a pagalit na tone). After that, nakatutok padin yung balisong samin and he was telling us na "walang bababa ng FX dahil kung hindi, patay kayong lahat dito". So nanahimik na lang kami, then the next thing, pinapatabi na niya yung sasakyan at dali-dali silang bumaba ng FX (kasama din niya yung isang guy na sumakay sa likod, so dalawa sila). After nilang bumaba, I was shocked and di ko alam kung anong gagawin ko, I can't even think straight kung anong kailangan gawin. The rest of the passengers and the driver was also in shocked. So the driver told us na idadaan na lang muna niya sa police station instead na dumerecho na lang ng byahe. So, we went to the police station in front of DepEd malapit sa Ultra. Pagdating namin dun, I asked for a telephone first and called at home to inform my dad about what happened. Then after that, one of the police officer is asking us kung namumukaan daw ba namin yung holdapers, then naglabas siya ng isang folder with some suspects in it. Naglabas siya ng isang paper from the folder and asking kung 'yung nasa paper daw ba yung lalake. Sumagot agad ako na siya nga yun at sure ako, dahil minukhaan ko talaga yung guy na nangholdap samin. Then, nagproceed na kami sa process ng blotter and demanda.
-- This is the picture of the guy who did the crime. Please if you can spread this, you can make yourself aware of this guy and the others as well. Madami na din daw siyang nabibiktima, hindi lang nila maikulong dahil walang naglalakas loob na magsampa ng kaso. Because they cannot send someone in jail without someone na magdedemanda. So me and the rest ng passengers whose with me including the driver, did the process. Sana maaksyunan agad to. Please, be aware.
No comments:
Post a Comment